Sunday, February 26, 2012

BAKIT HINDI LAHAT PWEDE MAGING GURO?

Bakit hindi dapat guro ang gurong hindi nagbabasa?Bakit hindi dapat guro ang gurong hindi nagtuturo sa estudyante kung paano magbasa?Bakit nga ba kailangang magbasa?Sasagutin ko ang tatlong tanong na ito.Unang-una, hindi maaaring no-read, no-write ang isang guro.Ano ang dapat binabasa ng guro? Ang mga pinakabagong aklat sa kanyang itinuturong larangan. Halimbawa, kung hindi nagbabasa ang isang guro sa agham, baka sabihin niya sa kanyang mga estudyante na planeta ang Pluto. Kung hindi nagbabasa ang isang guro sa Ingles, baka sabihin niya sa kanyang...